Isang nakakalukang araw ang
maghagilap ng DFA sa MegaMall. Hindi ko alam kung mahirap bang makita, or medyo
hindi lang ganun kagagaling magbigay ng tamang lokasyon ang napagtanungan ko.
So ito nga nangyari; galing sa Cainta, nag-FX ako hanggang MegaMall, bale ang
baba ko nun sa entrance ng SuperMarket sa Mega B. Nagtanong ako sa guard on
duty, sabi nya: “Dyan po Sir sa Mega C,” sabay turo sa Exit. So ako, sumunod
naman, malay ko bang may Mega C na! Tanong ulit sa maintenance, sabi nya: “akyat
po kayo, tapos deretso po kayo,” sabay turo sa pasilyo papuntang Mega A. Hindi ko parin makita. Kasi ang nasa isip ko
Mega A, Mega B at syempre Mega C na! Tama ako diba? So bumalik ako at tinuntun
yung side ng Megamall na facing EDSA. Noong makita ko na yung bagong structure
ng mall, nagtanong ulit ako sa help desk, Mega B parin ako nun huh. Sabi ni
Madam: “Akyat kang 5th floor, tapos mga pangalawang elevator yun,
tapos may makikita kang connecting bridge. Yun na!” so ako naman pasikat na
naglakad while playing Drunk on Love by Beyonce. Tapos may nakita akong mga
nakapila, sinundan ko ito, ngunit hindi pa pala! Deretso akong lumakad hangang
matuntun ko ang nasabing “connecting bridge” at dun na nagsimula ang pila sa
Department of Foreign Affairs.
Pagkapasok na pagkapasok,
makikita agad ang help desk ng DFA na nasa Step 1 - Verification process. Ibigay
lamang ang iyong printed online form sa kanila, icheck nila sa database and
proceed to the next. Step 2 – Processing. Dito naman icheck ang iyong mga
requirements (For Renewal: photocopies of Page 1 and last page of your old passport,
photocopy of your valid ID and original birth certificate.) Step 3 – Cashier. Dito
ka magbabayad. (700 pesos for regular and 1,200 pesos naman for rush.) Step 4 –
Encoding. Dito i-encode ang mga detalyeng nakasulat sa iyong printed online
form. Kukuhanan ka rin ng picture at thumb marks dito.
Kung tinatamad kang kumuha ng passport mo sa DFA, pwede mo itong ipadeliver sa halagang 120 pesos. Ibigay lahang ang iyong resibo sa counter, bago lumabas. Pagkatapos ma-confirm, push na pauwi. PushNatinToe. FOR ENGLISH, CLICK HERE: Passport Renewal
No comments:
Post a Comment